Dear Mama letras

[2018-08-23] /r/listentothis

2018.08.23 06:00 daily_playlist_bot [2018-08-23] /r/listentothis

Click Here for Today's Top Songs from /listentothis
Title Submitter Reddit Youtube
Yousei Teikoku - Hades: The Rise UomoPolpetta Permalink Youtube
Bent Knee - In God We Trust Live at The Record Co DrChre Permalink Youtube
BBC Proms – serpentwithfeet: bless ur heart A_Bewlay_Brother Permalink Youtube
J Bengoy - Armchair thisiskayhl Permalink Youtube
Orlon Gunner - Your Love is a Gun meesterfawlty Permalink Youtube
Bird on Fire chadsreal Permalink Youtube
04 Tomita - Clair De Lune (Suite Bergamasque, No.3) lechatsportif Permalink Youtube
Filho do Zua Ndoki vídeo + letra 2017 moncalzada Permalink Youtube
Stadium Blitzer Nige-o Permalink Youtube
Dave Monks - The Rules (Official Video) yupyup98765 Permalink Youtube
Anna Shoemaker - Liquor Store (Official Video) Run_NYC Permalink Youtube
World Champions - Tip Pit ORNGVladman Permalink Youtube
Coffee Break - Jonah Nilsson (feat. Richard Bona) nowtayneicangetinto Permalink Youtube
onoken - Felys Zarrex Permalink Youtube
Squires - Stargazing (Prod. J-Correa) usualservice Permalink Youtube
Dear McCracken (Official Lyric Video) tk204 Permalink Youtube
Vhsceral - Some Year [Full Album] lonemoonlineman Permalink Youtube
Vodi - Pressure GrandpereDean Permalink Youtube
Bas - Tribe ft. J. Cole washitakamyass Permalink Youtube
Honey. - Saab 900 (Official Video) yugugy Permalink Youtube
Madisen Ward and The Mama Bear - Childhood Goodbye anonymous_coward69 Permalink Youtube
Receiver - I Don't Mind (Live at The Troubadour) jazzrootsherbs Permalink Youtube
Bohemian Betyars - Utcabetyár // Lyrics Video rainb0wsquid Permalink Youtube
Trouble gingersyndrome Permalink Youtube
dRumelody Golden Vine lattakia Permalink Youtube
submitted by daily_playlist_bot to dailyplaylists [link] [comments]


2016.07.31 20:04 supladoako Dear God, Ako si Blake (Isang Maikling Kuwento)

"Ma, bakit kayo nagsisigawan ni Papa nung last na nandito siya?"
Inaayos ko ang pagkakakumot ni Blake nang bigla niya itong itanong sa akin. Kanina lang ay tungkol sa fieldtrip nila sa Zoo ang pinag-uusapan namin, na napunta sa masayang picture taking ng klase nila sa mga hayop, kaya naman ganon nalang ang pagkagulat ko nang tanungin niya ako sa ganitong bagay.
"Hindi kami nagsisigawan, masaya lang kami ng Papa mo kaya medyo malakas ang boses namin."
"Bakit hindi na siya umuuwi Ma?"
"Busy lang sa trabaho si Papa, kaya lagi siya sa malayo at hindi makauwi." Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinimas-himas ang buhok nito.
"Ganon ba Ma." Ngumiti siya. "Akala ko Ma ayaw na niya tayo makita."
"Uuwi din si Papa, okay?" Yumuko ako para bigyan siya ng mabilis na halik sa noo. "Matulog ka na baby, maaga tayo gigising bukas para magsimba."
"Kasama si Papa?" May halong pagkasabik ang tono ng boses niya na may dampi ng pagkinang sa kaniyang mga mata.
"Papa will try." Isang halik ulit ang iginawad ko sa ulo niya. "Pero promise, ibibili kita ng mga bagong toys bukas pagkatapos natin magsimba, kaya sleep kana okay?"
"Okay, Ma." Mahina niyang tugon kasabay ang pagpikit nito.
"Good night baby." bulong ko kasunod ang paglabas ko sa kaniyang kuwarto.
"Ma!"
Natigilan ako sa pagsara ng pinto nang bigla niya akong tawagin.
"Yes baby?" Dungaw ko sa kanya.
"Here." Unat ng kamay niya sa direksyon ko, hawak ang isang notebook. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang inaabot niyang kuwaderno.
"Ano to?" Pagtataka ko.
"My prayers to God Ma."
"Prayers?"
"Yes Ma, diba tinuruan mo ako dati na magdasal kay God? Nandiyan lahat ng prayers ko." Naghikab ito at nagkusot ng mata, mukhang tinatablan na siya ng antok. "Good night Ma."
"Good night Baby." Muli kong paalam sa kaniya bago tuluyan lumabas sa kaniyang silid.
"Tulog na siya?"
Nakapamewang na bungad sa akin ni Mike. Tumango lang ako at tinungo ang ref para kumuha ng isang basong tubig.
"So ano, final na ba?"
Muli niyang tapon ng tanong, ngunit tango lang ulit ang naisukli kong sagot sa kaniya.
"Paano ang hatian sa side ni Blake?"
Naudlot ang paglagok ko ng tubig sa pinukol nito, mabilisan ko siyang sinibatan ng matalim na tingin.
"Ang kapal naman ng mukha mo Mike! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, may gana kapang magtanong tungkol sa anak mo?!" Palahaw ko, ngunit agaran kong binabaan ang tono ko nang maalala kong pader lang ang pagitan ko kay Blake, ayaw ko siyang magising at makita kaming nagtatalo ng tatay niya. "Please, stay out of him. Kunin mo na lahat ng gusto mo sa pamamahay na ito, huwag lang siya."
"Anak ko din siya Nicole, may karapatan din ako sa bata." Duro niya sa kuwarto ni Blake.
"Sana inisip mo iyan bago mo binaboy ang pamilya mo Mike."
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi kita niloko! Lasing ako 'non at wala akong alam sa nangyari!"
"Sssshhh!" mabilisan kong saway sa kaniya at agad kong sinapulan ng tingin ang kuwarto ni Blake, ilang segundong katahimikan ang lumipas, nang masigurado kong 'di nagising si Blake, saka ko siya sinagot. "Tapos na Mike, ayaw ko na marinig ang mga reasons mo. Nakapagdesisyon na tayo ng parehas. Tapos na ang sa ating dalawa, hayaan na natin ang korte ang magdesisyon tungkol kay Blake."
Tumagilid siya sa akin at tumingala, na dinugtungan ng isang mahabang buntong hininga. Lumayo ako sa kusina at umupo sa sala para mag-isip, doon ko lang ulit naalala na may bitbit akong notebook. Pinagmasdan ko 'to at agad kong napansin ang sulat kamay ng anak ko sa cover. "Dear God. Ako si Blake."
Mabilis na sumagi sa ala-ala ko iyong araw na tinuruan ko siyang magdasal sa maykapal, may isang taon na ang nakakalipas. Dali-dali kong binuksan ang notebook at napako ang mata ko sa unang pahina nito.
"Dear God,
Ako si Blake. Tinuruan ako ni Mama na magdasal sayo. Sabi niya kung may gusto daw ako, sabihin ko lang sa inyo tapos ibibigay niyo daw. Pero nahihiya ako kasi di mo man ako kilala e."
"look." Nabali ang ang tingin ko sa kuwaderno, inagaw ni Mike na ngayon ay nasa harapan ko. "Wala na akong magagawa kung ayaw mo na, pero for the last time Nicole, maniwala kanaman, wala akong ginawang masama."
Umiling ako at ginantihan ko siya ng simangot bilang tugon, at mabilis na tinabig ang tuon ko muli sa hawak kong notebook upang basahin ang ikalawang pahina nito.
"Hi God,
Kaninang umaga nagiyakan lahat ng kaklase ko, namatay kasi iyong alaga naming rabit sa room. Pero sabi naman ni titser kinuha niyo daw. Bakit niyo po kinuha? Wala po ba kayong sariling rabit? Pero atlis di naman pala siya namatay nasa inyo lang. Kung pinapakain mo siya ngayon, mahilig siya sa nilagang carrots."
Bigla akong napangiti sa huling nabasa ko, pero agad ko itong napawi nang marinig kong nagsalita ulit si Mike. Hindi ko siya pinansin at muli kong nilipat ang pahina ng notebook.
"Dear God,
Sabi nila binibigay mo lahat ng gusto ng mga bata basta magpakabait sila. Naguguluhan tuloy ako kung sino mas mayaman sa inyong dalawa ni Santa Claus."
"Nakikinig ka ba Nicole?" Tinapunan ko ng tingin si Mike, pero agad ko itong ibinalik sa notebook.
"Dear God,
Sabi ni Myka invisible ka daw kaya di ka nakikita. Gusto ko maging invisible para hindi ako makita ni Mama kapag pinapakain niya ako ng gulay."
Natawa ako ng mahina kasabay ang pagtatanong ni Mike kung bakit, pero masyado akong nahuhumaling sa binabasa ko para pansinin siya.
"Dear God,
Sabi ni Titser nakikita at binabantayan mo daw kaming lahat. Ikaw ba iyong cctv sa school namin? Alam mo ba kung saan iyong wallet ni Papa? Matagal na niya kasing hinahanap."
"Hello God,
Galit ka daw sa magnanakaw. Sana huwag ka magalit kay Papa. Narinig ko silang dalawa ni Mama kanina, ninakawan daw ni Papa si Mama ng halik. Sssshhhh huwag mong sabihin kay Papa na ako nagsumbong sayo ah."
Sa pagkakataong ito, hindi ko napigilan na tumawa ng malakas, siya naman ang paglapit sa akin ni Mike at tumabi 'to sa akin, nakiisyoso sa aking binabasa.
"Dear God,
May lagnat si Mama hindi muna ako magprepray sayo kasi babantayan ko siya. Wag kang magalala sinabihan ko si Jessie na siya muna magpray sayo para hindi ka mainip."
"Sulat ni Blake 'to?" Tango lang ang nahiganti ko kay Mike bago nilipat ang susunod na pahina.
"Hi God,
Sabi ni Titser kanina ikaw daw ang gumagawa ng mga baby, pero para sa akin Kiss ang pinakamagandang naimbento mo, kasi gumaling si Mama sa kiss namin dalawa ni Papa."
"Dear God,
Huwag ka muna mandidilig bukas, magsisimba kami nila Mama at Papa, ayaw kong mabasa sila at magkasakit."
"Kailan pa 'to? Bakit hindi ko alam?" Harap sa akin ni Mike.
"Last year." Tipid kong sagot.
"Dear God,
Ikaw daw nagbibigay ng food sa lamesa, puwede bang gawin mong matamis yung lasa ng ampalaya? Saka juice nalang ipainom mo sa akin kapag matutulog na ako sawa na ako sa milk eh."
"Dear God,
May bagong tuta sina Myka, ang ganda. Mabalahibo siya at malikot. Gusto ko ng tuta sa birthday ko. Si Mama bigyan mo ng monkey na magaling magmasahe para di na masakit katawan niya lagi. Si Papa naman Agila para masakyan niya kapag nagmamadali siyang huwag malate."
Sabay kaming natawa ni Mike, nagkatinginan kami ng ilang segundo bago nagpatuloy sa binabasa namin.
"Dear God,
Magsisimba kaba bukas? Kami oo. Sana magsimba ka para pakita ko sayo yung bago kong t-shirt. May bago karin bang damit? Kaso hindi ko rin makikita kasi invisible ka."
"Dear God,
Thank you sa tuta, sabi kasi ni Mama magkakaroon na ako ng bagong kalaro dito sa bahay. Pero sa December pa birthday ko. Yung agila nalang muna ni Papa, birthday niya na sa linggo."
"Dear God,
Nakita ko kanina picture ni Jesus. Gusto kong maging katulad ni Papa paglaki ko, pero ayaw ko ng maraming buhok sa mukha katulad nilang dalawa ni Jesus. Makati kasi kapag dinidikit sa akin ni Papa yung buhok niya sa mukha kapag hinahalikan niya ako sa pisngi."
"Kaya pala nagshave ka?" usisa ko kay Mike.
"Nagrereklamo kasi siya na nangangati kapag nilalambing ko siya." Nakangiti niyang sagot na hindi inaalis ang tingin sa notebook.
"Akala ko nagpapaguwapo ka sa kerida mo." Pabulong kong sambit.
"Ano iyon?" Kumunot ang noo niya.
"Wala." Balik ko ng tuon sa notebook.
"Dear God
Ayaw ko ng maging matanda, hindi na kasi sila nakakapaglaro. Alisin mo na kasi ang pera. Para lagi na naming kasama si Papa. Lagi kasi siyang nasa work niya sabi ni Mama. Bakit kasi may pera pa. Hindi namin tuloy nakakasama ni Myka mga Papa namin. Si Jessie din lagi wala Papa niya."
"Hi God,
Sa tiyan pala ng tao nanggagaling ang tuta? Tinanong ko kasi si Mama kung saan ipapadala yung kalaro ko, tinuro niya ang tiyan niya. Please alisin mo na siya sa tiyan ni Mama, baka kasi kagatin siya."
"Anong sinasabi ni Blake dito? Tinuro mo sa kanya iyon?" Pakli ni Mike, na naglalaro sa mukha nito ang malaking question mark.
"Buntis ako." Iwas ko ng tingin sa kaniya. "3 months na."
"What?" Nanlaki ang mga mata niya kasabay ang agaran nitong pagtayo. "Damn Nicole! Bakit hindi mo sinabi sa akin!"
"Para saan pa? Maghihiwalay narin naman tayo."
Bigla niya akong niyakap. Isang mahigpit na yakap. Narinig ko pa ang paghikbi nito ng maraan. Ilang sandali pa ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "My God Nicole! Tatay ulit ako?!"
Isang maiksing tango ang iginawad ko sa tanong niya na sinuklian naman niya agad ng isang banayad na halik. Itinutulak ko siya nung una, subalit may anong saya ang kumalabit sa puso ko, dahilan para gumanti ng yakap at halik sa kaniya. Makalipas ang ilang saglit, kumalas kami sa isa't-isa. Hinawakan niya ako sa aking mukha at muling dinampian ng mabilis na halik sa labi. Ngumiti ako sa kaniya bago ibinaling ang attensiyon ko sa notebook.
"Dear God,
Pakisabi kay Papa na bumili siya ng siopao na may icing ska manga na may bagoong. Paborito ni Mama iyon, lagi iyon ang pinapabili niya kay Tito Manding, iyong Kuya ni Mama, kapag pumapasyal siya dito. Pakisabi narin kay Papa na ibili niya akong bagong notebook, last page na kasi 'to di na kasya yung iba ko pang prayers sayo."
Nilapit ko ng bahagya sa mukha namin ang notebook, dahil hirap ko nang basahin ang ibang letra, sapagkat maliliit na parang pinagkasya nalang sa ibaba ng papel ang sumunod na nakasulat.
"Dear God,
Hindi pa umuuwi si Papa, wala na akong bagong notebook."
Parang kung anong libong karayom ang kumirot sa puso ko, sapat na sakit para sugatin ang emosyon ko at maghatid ng mga munting butil sa aking mga mata.
"Magsimula tayo ulit." Sambit ni Mike, tinignan ko siya, lalong nagpahina sa puso ko ang mga mata niyang lumuluha wariy nakikiusap sa akin.
submitted by supladoako to Kwaderno [link] [comments]